House & lot sa Brgy. Dolores, Capas, Tarlac

Under ₱1M, sa’yo na ang bahay.

Two-storey townhouse malapit sa Capas bayan at New Clark City. Kaya rin ng Pag-IBIG financing.

Accredited marketing partner ng Mapiles Realty

Two-storey townhouses at Brentwood Residences in Capas, Tarlac
Sample TCP₱960,592Computed Aug. 24, 2026 · depende sa available units
2 palapagPraktikal na layout
2 bedroomsProvision sa featured homes
₱4,000Sample reservation fee
Pag-IBIGMay financing examples

Abot ng budget mo.

Piliin ang laking swak sa pamilya ninyo.

Kung first home pa lang, kasya na ang socialized townhouse. Kung unti-unti nang lumalaki ang pamilya, may mas malapad na option. Parehong two-storey, at kayo ang bahala mag-ayos sa loob.

Brentwood two-storey townhouse community in CapasMas maluwag na option

Townhouse 44

Para sa lumalaking pamilya.

Floor area
44 sqm
Sample lot
36 sqm
Bedrooms
Pang-2 (provision)
Toilet & bath
1

Sample final TCP₱1,135,000

Sample cash-out/fee₱10,000

Sample equity₱0

Est. monthly sa Pag-IBIG₱7,379.22

Tingnan ang payment options

Ang mga halimbawang numero ay base sa seller materials na naibahagi noong Agosto 2026. Para sa reference lang. Maaaring magbago ang final price, unit, loan, interest, term, discounts, at monthly payment. Opisyal na approval pa rin ang masusunod.

Quick check lang

Kakayanin ba ng kita ninyo?

Mga halimbawa lang ito ng kailangang basic income, base sa pinakabagong computations na hawak namin. Hindi ito credit check o loan approval, ha.

  • Kung may co-borrower, isama ang combined income
  • Magkaiba ang dokumentasyon ng OFW at self-employed
  • Opisyal na assessment pa rin ang masusunod
Simula~₱12,460/buwan na kita

Para sa Socialized Townhouse 33.6

Base sa ₱960,592.50 sample computation.

Simula~₱21,084/buwan na kita

Para sa Townhouse 44

Base sa ₱1,135,000 sample computation.

Magpa-personal computation

Bahay na kayo ang tatapos

Simple sa labas. Kayo ang bahala sa loob.

Ang mga interior photo ay model unit na inayosan para sa inspirasyon. Ang standard turnover, inclusions, at finishes ay depende sa napiling unit at opisyal na house specification.

Brentwood Residences community road and townhouse row

Built for daily life

The essentials of a practical community.

01Guarded entrance
02Concrete roads
03Centralized water
04Underground drainage
05Basketball court
06Playground & hall

Brgy. Dolores, Capas, Tarlac

Lapit lang lahat ng kailangan ninyo.

Nasa Capas mismo ang palengke, paaralan, ospital, at munisipyo. Papuntang trabaho o negosyo? Kabit-kabit ang New Clark City, Clark, SCTEX, hanggang Tarlac City.

Sa Capas mismoPalengke, eskwelahan, ospital, munisipyo
New Clark City corridorProyekto ng gobyerno, sports, trabaho
Biyahe papunta kahit saanClark, SCTEX, NLEX, Tarlac City
Magpa-schedule ng site tripping

Bagong pamilya · OFW · Capas at Clark workers

Kung nasaan ka man, may paraan dito.

Bagong pamilya

Ikumpara ang monthly sa renta ninyo. Dito, sa inyo mapupunta bawat bayad.

Para sa mga OFW

Kahit nasa abroad, puwedeng i-review ang requirements, manood ng online tour, at may local rep na nag-aalalay dito sa Pilipinas.

Nagtatrabaho sa Capas at Clark

Malapit sa work, hindi rin layo ang palengke at paaralan.

Simula tanong hanggang reserba

Apat na hakbang lang. Samahan ka namin.

  1. 1
    I-send ang details mo

    Sabihin sa accredited seller ang income range, work status, at kung anong bahay ang hinahanap mo.

  2. 2
    Pa-compute ka

    Makikita mo ang available units, presyo, payment terms, at initial qualification mo.

  3. 3
    Manood online o on-site

    Puntahan ang community, ikumpara ang mga unit, at itanong lahat ng gusto mong itanong.

  4. 4
    Reserbahan na

    Kumpletuhin ang mga dokumento at mag-reserve sa authorized na proseso.

Diretsong sagot

Mga madalas itanong tungkol sa Brentwood Capas.

Saan ang Brentwood Residences?

Nasa Barangay Dolores, Capas, Tarlac ito. Malapit sa Capas town proper at kabit-kabit sa New Clark City, Clark, SCTEX, at buong Central Luzon.

Magkano ang bahay sa Brentwood Capas?

Sa sample computation noong Aug. 24, 2026, nasa ₱960,592.50 ang TCP ng Socialized Townhouse 33.6. May sample din para sa Townhouse 44 sa ₱1,135,000 na discounted final price. Pero nagbabago ang presyo, discounts, at available units, kaya magpa-fresh computation muna bago mag-reserve.

Puwede bang mag-Pag-IBIG?

Puwede. May Pag-IBIG financing examples ang Brentwood materials na hawak namin. Ang approval, loan amount, interest rate, term, at final monthly ay depende sa assessment ng Pag-IBIG at sa documents na isusumite mo.

Ilang bedrooms ang townhouse?

Pang-2 bedrooms ang provision ng two-storey layout, tapos 1 toilet and bath. Bare unit ito, so kayo ang bahala mag-finish at mag-furnish base sa budget at estilo ninyo.

Bagay ba sa OFW at first-time buyer ang Brentwood?

Praktikal na option ito para sa first-time buyer, bagong pamilya, at OFW na naghahanap ng abot-kayang house and lot sa Tarlac. Sa mga OFW, maaaring kailanganin ang employment at remittance documents, pati na rin ang local representative—depende sa current application requirements.

Paano ako mag-re-reserve?

Simulan sa unit check at opisyal na computation. Aalalay ang accredited seller sa qualification mo, mag-aayos ng online o site viewing, ipapaliwanag ang requirements, at gagabay sa reservation sa authorized APEC Homes sales o project office.

Libre ito, walang pilitan.

Kunin ang listahan ng available units ngayon + computation na swak sa budget mo.

Tumawag o mag-WhatsApp message sa accredited marketing partner para sa unit check, personal computation, online viewing, o site tripping schedule.

Mapiles Realty · PRC License No. 0016602DHSUD Reg. No. RF03-13-04/15-0129

Private inquiry form

Tell us what you need.

We’ll reply with current availability and a fresh computation.

Your information is used only to respond to this property inquiry and is not displayed publicly.

Libreng computation